1,759 NA MGA SENIOR CITIZENS SA DAGUPAN CITY, NAKATANGGAP NA NG SOCIAL PENSION

32
Natanggap na ng mga kwalipikadong senior citizens ang kanilang social pension na ibinahagi ng Department of Social Welfare and Development Regional Field Office 1 (DSWD-RFO1).
Ang pamimigay ng nasabing cash grant sa mga indigent senior citizens ay mandato sa ilalim ng Republic Act 9994 or Expanded Senior Citizens Act of 2010.
Naisakatuparan ang pamimigay nito sa tulong ng lokal na pamahalaan ng Dagupan City sa ilalim ng City Social Welfare and Development Office at mga kawani ng Office for the Senior Citizens’ Affairs (OSCA).

Makatatanggap ng tig-P500 monthly stipend ang mga eligible senior citizens para sa kanilang pang araw-araw na pantustos at pangangailangang medikal.
Mayroong 5,569 recipients ang Dagupan City mula sa poorest-of-the-poor na magiging sinala ng mga presidente ng senior citizens sa 31 barangay sa lungsod. | ifmnews
Facebook Comments