6 na brand ng bakuna kontra COVID-19, inaprubahan bilang pangalawang booster shot

89

Inaprubahan ng Food and Drug Administration (FDA) ang Emergency Use Authorization (EUA) ng anim na bakuna kontra COVID-19 bilang pangalawang booster shot.

Ayon kay National Vaccination Operations Center (NVOC) Chairperson at Health Undersecretary Myrna Cabotaje, kabilang sa mga inaprubahang bakuna ay ang Pfizer, Moderna, Sinovac, AstraZeneca, Sputnik Light, at Janssen.

Handa rin aniya ang guidelines para sa roll out nito at hinihintay na lamang ang pinal na rekomendasyon ng Health and Technology Assessment Council (HTAC).


Target na masimulan na sa susunod na linggo ang pagtuturok ng ikalawang booster shot para sa healthcare workers, senior citizens, at immunocompromised individuals.

Facebook Comments