PBA, ipinagpaliban ang Game 6 ng Governors’ Cup finals matapos masunog ang Araneta

60

Ipinagpaliban ngayon araw ng Philippine Basketball Association (PBA) ang Game 6 ng Governors’ Cup finals sa pagitan ng Barangay Ginebra at Meralco matapos sumiklab ang sunog sa Araneta Coliseum.

Ayon sa PBA, ipinagpaliban nila ang laro para sa kaligtasan ng lahat.

Inilipat na lang nila sa Mall of Asia Arena (MOA) sa Biyernes, Abril 22 ang Game 6 kung saan ang tip-off ay isasagawa ng alas-6 ng gabi.


Maaari namang makakuha ng refund ang mga may hawak ng tiket sa ticketing office ng Araneta Coliseum.

Nangyari ang sunog habang isinasagawa ang PBA 3×3 Second Conference Grand Finals alas-11:49 kaninang umaga.

Naapula naman ito matapos ang dalawang oras ngunit napuno ng usok ang loob ng Big Dome.



Ang maling wiring sa ventilation system ng Araneta ang sinasabing pinagmulan ng apoy.

Facebook Comments