6 na brand ng COVID-19 drug na Molnupiravir, binigyan ng Emergency Use Authorization ng FDA

Anim na brand ng anti-COVID-19 drug na Molnupiravir ang binigyan ng Emergency Use Authorization (EUA) ng Food and Drug Administration (FDA).

Ayon kay FDA Director General Dr. Oscar Gutierrez Jr., ito ay ang mga sumusunod:
• Molnarz (Faberco)
• Molnaflu (Medethix)
• Auxilto (German Quality Pharma)
• Molxvir (Sun Pharma)
• Molnatris (Mykan)
• Molnupiravir Generic (Lloyd Laboratories at Dr. Zen’s Research)

Sinabi pa ni Gutierrez na sumasailalim na rin sa kanilang evaluation sa ngayon ang Paxlovid ng Pfizer.


Samantala, nasa tatlo na ngayon ang mga aprubadong home self-testing kits ng FDA matapos madagdagan ng isa.

Facebook Comments