6 na classroom at canteen ng Toledo Elementary at High School nasunog, imbistigasyon nagpapatuloy

26

Nabas, Aklan – Nagpapatuloy pa sa ngayon ang imbestigasyon ng Bureau of Fire sa nangyaring sunog kahapon ng madaling araw sa Toledo Elementary at High School sa Brgy. Toledo Nabas, Aklan.
Base sa paunang imbestigasyon ng BFP-Ibajay ay umabot sa 6 na classroom at canteen ang natupok ng apoy.
Sa ngayon ay hindi pa matukoy ang pinanggalingan ng apoy at kung magkano ang naging pinsala nito.

Facebook Comments