Binatilyo, patay kakapuyat umano sa larong ‘Mobile Legends’

9233

Sinasabi ng isang ama sa General Santos City na naging mitsa ng pagkamatay ng anak na lalaki ang pagkalulong sa online game na “Mobile Legends”.

Kinilala ang nasawi na si Ashton Kyle Alferez, 15, residente ng Barangay Katangawan sa nasabing lugar.


Batay sa ulat, isinugod ang biktima sa ospital noong nakaraang linggo at nasuring tinamaan ito ng sakit na leukemia.

Hanggang sa lumala na raw ang sakit na kumitil sa buhay ng binata noong Biyernes.

Ayon sa ama ni Alferez, naging libangan ng biktima ang paglalaro ng “Mobile Legends” magmula nang ipatupad ang enhanced community quarantine (ECQ) sa lugar.

Panay umano ang pagpupuyat nito at kung minsan ay hindi na nakakakain sa tamang oras.

Dagdag ng ama, hindi naman daw lulong sa online game noon ang anak at kahit kailan ay hindi pa raw ito nai-admit sa ospital dahil malusog naman ang pangangatawan.




Facebook Comments