6 na Classroom sa Isang Paaralan sa Isabela, Nasunog

Cauayan City, Isabela- Tinupok ng apoy ang apat (4) na classroom habang dalawa (2) ang partially damaged ng Naguilian National High School sa lalawigan ng Isabela pasado alas 4:00 ng umaga kahapon, Marso 13, 2021.

Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay SFO4 Mario Orosco, sa hepe ng BFP Naguilian, kanyang sinabi na mula sa anim na classroom, tatlo rito ay ginamit bilang quarantine facility ng LGU Naguilian.

Ayon sa hepe, base sa inisyal na pagsisiyasat ng mga imbestigador, electrical circuit ang sanhi ng sunog at wala namang naitalang casualty o nasugatan sa nangyaring malaking sunog.


Ayon pa kay SFO4 Orosco, umabot ng mahigit isang oras bago maideklarang fire-out ang sunog.

Tinatayang aabot sa mahigit kumulang Php1,400,000.00 ang halaga ng pinsala ng sunog.

Facebook Comments