Hahataw ang anim na Cluster sa araw ng Biyernes ika-12 ng Abril sa pinaka inaabangang Gilon-Gilon Ed Baley sa lungsod ng Dagupan.
Magsisimula ang parada alas kuwatro ng hapon sa Perez Boulevard at magtatapos sa City Plaza. Isasabay sa Gilon -Gilon Ed Baley ang grand opening ng Bangus Festival kaya pinaalalahanan ang mga taong manonood na maging maingat dahil dadagsa ang tao sa nasabing araw.
Ayon kay Mia Flores ng City Tourism Dagupan mula sa limang cluster noong 2018 ngayon ay anim na ang maglalaban laban sa Gilon-Gilon Ed Baley 2019. Ang Cluster 1 na nagchampion noong 2018 ay pinangungunahan ng Brgy. Mangin kasama ang Salisay, Bolosan, Tebeng, Mamalingling at Tambac. Cluster 2 ay papangunahan ng Barangay II at III kasama dito ang Tapuac, Poblacion Oeste, Brgy. I at Brgy. IV. Ang Cluster 3 ay pangunguahan ng Calmay kasama ang ibang island barangay Carael, Salapingao,Pugaro, Lomboy at Brgy. Pantal. Cluster 4 ay pinangungunahan ng Malued kabilang ang Bacayao Norte, Bacayao Sur, Mayombo at Herrero-Perez. Sa Cluster 5 ang lider ay ang Barangay Malued kasama nito ang Pogo Chico, Pogo Grande, Lasip Chico, Lasip Grande at Lucao. Ang Bonuan Boquig naman ang lider sa Cluster 6 kasama ang Bonuan Binloc at Bonuan Gueset.
Ang tatanghaling Champion ay mananalo ng 200, 000, 1st place ay tatanggap ng 100, 00 , 2nd place 80,000 and 3rd place, 4th place at 5th place ay tatanggap ng 30,000. Ang tatanghaling Best in Costume, Best in Street Dance at Best in Musicality ay tatangggap ng 20,000.
Photo Credited to Globel Paras Zabala [image: 12987055_1111658888856744_3334434336353242298_n.jpg]
6 na Cluster hahataw sa Gilon-Gilon Ed Baley 2019 sa Dagupan City
Facebook Comments