6 na Katao, Arestado sa Pagsusugal!

190

*Gamu, Isabela-* Huli sa pagsusugal ang anim na katao matapos na maaktuhan ng mga otoridad sa Brgy. Upi, Gamu, Isabela.

Kinilala ang mga nadakip na sina Mary Jane Verona, 38 anyos, Elmie Ibarra, 54 anyos, Jessa Hidalgo, 26 anyos, Romy Pagaduan, 62 anyos, Lorna Andres, 53 anyos, Vicky Pagaduan, 52 anyos, mga pawang residente ng Brgy. Upi, Gamu, Isabela.


Nadakip ang anim na suspek matapos magsagawa ng anti-illegal gambling operation ang mga kasapi ng PNP Gamu sa lugar kung saan nakumpiska sa mga suspek ang isang table, limang mono block na upuan, isang set ng baraha at pera na nagkakahalaga ng mahigit pitong daang piso.

Dinala na sa CIDG Isabela RFU ang mga naaresto para sa kaukulang dokumentasyon at nakatakdang isailalim sa inquest proeceedings.

Mahaharap naman sa kasong paglabag sa PD 1602 o Illegal Gambling ang mga nahuli.

Facebook Comments

From Advertisers