6 na Katao, Huli sa Pagdadala ng mga Iligal na Kahoy!

*Cordon, Isabela- *Arestado ang anim na katao matapos matiklo ng mga otoridad dahil sa pagdadala ng mga iligal na kahoy partikular sa Sitio Bimmangon ng Brgy. Quirino, Cordon, Isabela.

Ang mga nadakip ay nakilalang sina Mervin Ignacio, Alladin Sumauang, Christian Magayano, Christopher Alvarado, Johnny Belmonte at Ayson Dizon na pawang mga nasa tamang edad.

Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan, habang nagmamatyag ang mga kasapi ng PNP Cordon sa Sitio Bimmangon ay nakita ang isang Elf Truck na naglalaman ng mahigit 60 piraso ng Gmelina.


Nang hanapan ng dokumento ang mga nahuli ay walang maipakita na anumang kaukulang papeles na nagresulta sa kanilang pagkakaaresto.

Dinala na sa himpilan ng PNP Cordon ang mga nahuli maging ang sasakyan para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

Facebook Comments