6 na katao, kabilang ang isang Korean national, arestado sa buy-bust operation sa Pasay City

Manila, Philippines – Anim na tao, kabilang ang isang Korean national ang huli sa isinagawang buy-bust operation sa isang residential area sa lungsod ng Pasay.

Alas-singko y media kaninang madaling araw nang ilunsad ng Pasay Drug Enforcement Unit ang buy-bust operation sa 130 Himilidad St., Brgy 14 Zone 1, Pasay City.

Ang mga suspect ay kinilalang sina Jerome Balangit (26), Marcelo Salonga, Alexander Alvarez (48), Arriane Tobias (30), Jesus Balingit (56) at Korean National, na si Jae Woo Cho, male, 52 years old, divorced, casino agent, nakatira sa No. 2010 Balagtas St., Barangay 14, Zone 1, Pasay City.


Nabawi ng mga otoridad mula sa mga suspect ang 6 na pirasong maliit na heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng white crystalline substances na pinaghihinalaang SHABU na may street value na humigit kumulang one thousand two hundred pesos (Php 1,200.00), isang piraso ng P200 bill bilang buy bust money at assorted drug paraphernalia mula sa mga suspect.

Mga paglabag sa Sections 5,11,13,14 Art.2 ng R.A. 9165 o Comprehensive Drugs Act of 2002 at PD 1829 (Obstruction of Justice) ang inihahandang kaso laban sa mga naarestong suspect.

Facebook Comments