6 na lugar sa Mindanao, “low risk” na sa COVID-19

Nasa “low risk” na lamang ng COVID-19 ang anim na lugar sa Mindanao.

Sa tweet, sinabi ni OCTA Research fellow Dr. Guido David na “very low” na ang reproduction rate o bilis ng hawaan ng virus sa Butuan, Cotabato City, Davao City, General Santos City, Iligan at Zamboanga City na naglalaro na lamang sa 0.08 hanggang 0.33.

“Very low” na rin ang healthcare utilization rate sa mga nabanggit na probinsya maliban sa Cotabato City na nasa 32% pa at itinuturing na “low.”


Samantala, mababa na rin ang average daily attack rate (adar) sa Butuan, General Santos, Iligan at Zamboanga City habang “very low” sa Cotabato (0.32) at “moderate” sa Davao City (2.24).

Gayunman, mataas pa rin ang positivity rate sa Iligan na nasa 18%, Gensan, 15% at Cagayan de Oro, 12%.

Kabilang ang Cagayan de Oro, Davao City at Zamboanga City sa mga isinailalim sa Alert Level 1 simula noong March 1 hanggang March 15.

Habang Alert Level 2 pa rin sa Butuan, Cotabato City, General Santos at Iligan.

Facebook Comments