Mga senior citizens, hinikayat na magpabakuna bago ang May 9, elections

Umapela ang Mababang Kapulungan ng Kongreso sa mga nakatatanda na magpabakuna na ng COVID-19 vaccine upang ligtas na makalabas at makaboto sa May 9, 2022 election.

Maaaring kumbinsihin ang mga senior citizens at mga retirees para ligtas na makaboto at hindi mahawaan ng sakit.

Pwede umanong gamiting pangumbinsi sa mga seniors ang dami na ng mga lolo at lolang “fully vaccinated” at nakatanggap ng booster shot.


Dahil nasa ilalim na ng Alert Level 1 ang National Capital Region (NCR) at maraming lugar sa bansa, malayang makakagalaw ang mga senior citizens at ang mga pamilya ng mga ito para samahan ang mga matatanda na magpabakuna.

Kung magagawang makumbinsi ngayon ang mga senior citizens ay posibleng makumpleto ang bakuna ng mga matatanda bago ang halalan.

Facebook Comments