6 na Magnanakaw ng Baka, Huli sa Checkpoint!

215

*Quezon, Isabela- *Arestado ang anim na kalalakihan na nangatay at nagnakaw ng baka matapos ma-checkpoint sa Brgy. San Juan, Quezon, Isabela.

Kinilala ang mga naarestong suspek na sina Ferdinand Boog ng Tanudan, Kalinga, Marciliano Balacanao at Juan Balacanao ng City of Ilagan, Isabela, Arnold Balingdan at Jerom Manaccho ng Paracelis, Mt. Province.


Batay sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan, nakatanggap ng impormasyon mula sa isang concerned citizen ang mga Brgy Officials ng San Juan, Quezon, Isabela kaugnay sa nakita na may mga kalalakihang nangatay ng isang baka na pagmamay-ari ng isang doktora at isinakay sa dalawang motorsiklo patungong Ilagan City, Isabela.

Agad namang naglatag ng Checkpoint ang mga Brgy Officials sa posibleng dadaanan ng mga suspek na nagresulta naman sa kanilang pagkakadakip.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang karne ng kanilang ninakaw at kinatay na baka habang dinala naman sa PNP Quezon ang mag nahuling suspek para sa kanilang kaukulang dokumentasyon at disposisyon at inihahanda na ng PNP ang kaukulang kaso laban sa mga cattle rustlers.

Facebook Comments