6 na mga indibidwal sa Muntinlupa City, hinuli dahil sa paglabag sa 24-curfew

105

Hindi na pumalag pa ang anim na mga indibidwal sa Muntinlupa City, matapos silang sitahin dahil pagala-gala kahit umiiral ang 24-curfew sa Lungsod.

Hinuli ang anim na lalaki na sina Patrick Briyoso Rabuya, 25-anyos; Marvin Benig Asotea, 28-anyos, Larry Esparza Sanchez, 40-anyos; Ricardo Gari Sermona, 22-anyos, Reynold Saladas Grezula, 20-anyos; at Roderick Rabuya Esparza, 32-anyos.


Batay sa ulat ng Muntinlupa City Police, walang naipakitang quarantine pass ang nasabing anim na mga lalaki ng sitahin ang mga ito.

Ayon sa mga otoridad ng nasabing Lungsod, 24 oras na silang nagpapatrolya sa buong Lungsod sa ipinatupad na 24hr Citywide Curfew Ordinance kaugnay sa umiiral na Enhanced Community Quarantine.

Nahaharap naman ang anim na lalaki sa kasong paglabag sa Art. 151 ng Revised Penal Code at Republic Act 11332 kaugnay sa Proclamation No. 922 at City-wide Curfew City Ordinance.

Facebook Comments