Granada, Narekober sa Magkahiwalay na Bayan sa Isabela!

205

Cauayan City, Isabela- Dalawang granada ang magkahiwalay na narekober ng mga residente sa Lalawigan ng Isabela.

Una rito, dakong alas 3:30 ng hapon, April 4, 2020 nang magtungo sa himpilan ng PNP Cabatuan si Brgy Kagawad Ernie Balbin ng Nueva Era, ng naturang bayan upang iulat na may nakitang isang granada sa bakuran ng bahay ng kanilang kabarangay.


Sa pagresponde ng mga pulis ay narekober ang isang (1) unit ng Fragmentation Grenade sa likod ng bahay ni Myra Wycoco.

Matagumpay namang nakuha ng mga rumespondeng pulis ang granada at dinala sa kanilang himpilan para sa tamang disposisyon.

Samantala, nasa kustodiya na rin ng PNP Tumauini, Isabela ang isang hand grenade na narekober din ng isang residente sa Antagan 2nd, Tumauini, Isabela.

Dakong alas 8:40 ng umaga, April 4, 2020 nang ipasakamay mismo ng Brgy Chairman na si Rodolfo Mariano sa himpilan ng pulisya ang isang piraso ng granada na nakita ng kanyang constituent habang nangingisda sa Pinacanauan river.

Facebook Comments