Mahigpit na tinututukan ng Department of Health (DOH) ang anim (6) na lugar sa bansa na nakapagtala ng mataas na kaso ng COVID-19 nitong nakaraang linggo.
Kabilang rito ang Cebu City, Cebu province, mga lungsod ng Mandaue at Lapu-lapu sa Cebu, Quezon City at Maynila.
Ayon kay Health Undersecretary Rosario Vergeire, nananatili pa rin sa 7.7 kada araw ang case doubling rate at 60% lamang sa critical care facilities ng bansa ang nagagamit.
Inamin naman ni Vergeire na umabot na sa 8,000 hanggang nitong Hulyo 4, 2020 ang backlogs sa COVID-19 test results na hindi pa nailalabas ng mga laboratoryo.
Malaking dahilan aniya ng mga backlog ang kakulangan ng mga encoder sa bawat laboratory.
Facebook Comments