6 na miyembro ng BIFF sa Maguindanao, sumuko sa militar

Binigyang papuri ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Western Mindanao Command Commander Brig. Gen. Arturo Rojas ang mga tropa ng 1st Mechanized Brigade, kasunod ng pagsuko sa kanila kamakalawa ng 6 na miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters.

Ang mga nagbalik loob ay sumuko sa tropa ng militar sa Barangay Kabengi, Datu Saudi Ampatuan, Maguindanao Del Sur.

Kasamang isinuko ng mga ito ang isang 60mm Mortar, isang M16A1 rifle, isang Garand rifle, isang cal. 30 Carbine rifle, isang long magazine, isang rocket-propelled grenade at isang improvised explosive device.


Kasunod nito, tiniyak ni Brig. Gen. Roxas na laging bukas ang militar na tanggapin ang mga dating rebelde na gusto nang mag bagong-buhay at makabalik sa normal nilang pamumuhay.

Facebook Comments