6 na miyembro ng BIFF, sumuko sa militar sa Maguindanao

30

Kusang loob na sumuko sa tropa ng militar ang anim na miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighter o BIFF sa 1st Mechanized Brigade headquarters sa Barangay Kamasi, Ampatuan, Maguindanao.

Ayon kay Western Mindanao Command Spokesperson, Col. Alaric Avelino Delos Santos, ang mga sumuko ay mga residente ng Barangay Darampua, Sultan sa Barongis at Barangay Kaya-Kaya, Datu Abdullah Sangki, sa Maguindanao.


Isinuko rin nila ang kanilang mga armas.

Batay sa record ng Western Mindanao Command, simula January 2021, kabuuang 80 BIFF personalities ang na- neutralized, 38 ay napatay sa mga operasyon habang 42 ang sumuko.

May 47 na mga armas naman ang kanilang narekober sa mga engkwentro, 40 sa mga ito ay kusang loob na isinuko.

Facebook Comments