DOH, walang natanggap na ulat hinggil sa negatibong side effect ng Sputnik V

24

Walang napaulat na nakaranas ng seryoso o matinding side effects sa mga nabakunahan kahapon ng Sputnik V.

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Health Usec. Myrna Cabotaje, pinuno ng National COVID-19 Vaccination Operations Center, minor side effects lamang ang kanilang naitala tulad ng pamamaga sa lugar ng braso na binakunahan, pananakit ng kasu-kasuhan at kaunting lagnat.


Gayunpaman, sinabi ni Cabotaje na sa ngayon ay wala naman silang natanggap na report na may nakaranas ng major side effects.

Sinabi pa nito na binigyan nila ng limang araw ang mga lokal na pamahalaan para tapusin ang pagbabakuna sa 5,000 doses ng Sputnik V.

Kabilang sa mga nabigyan ng initial trial order ng Russian vaccine ay ang Lungsod ng Maynila, Makati, Parañaque, Muntinlupa at Taguig City.

Facebook Comments