6 na Miyembro ng CPP-NPA at 2 Lider, Boluntaryong Sumuko sa Pamahalaan

Cauayan City, Isabela- Dalawang lider at anim (6) pang miyembro ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) ang nagbalik-loob sa pamahalaan nitong linggo (Pebrero 7,2021) sa Sitio Riga-Ay, Barangay Hacienda Intal, Baggao, Cagayan.

Kinikilalang lider ang dalawa na kabilang sa Section Guerilla Unit ng East Front, Komiteng Probinsya-Cagayan ng teroristang CPP-NPA habang ang anim ay mga miyembro ng naturang teroristang grupo.

Nagkaroon umano ng oportunidad ang mga miyembro ng rebelde ng magsagawa ng Focused Military Operations ng 77th Infantry Battalion, 5th Infantry Division kung saan ilan rin sa dahilan ng kanilang pagbabalik-loob ay ang naging karanasan na magutom, pagod at paghihirap.


Ayon sa mga rebelde, walang kabuluhan ang kanilang ipinaglalaban taliwas sa mga sinasabi ng mga miyembro ng rebeldeng CPP-NPA at kinakain din sila ng kanilang konsensya dahil imbes na makatulong sa kanilang kapwa ay mas pinapahirapan pa nila ang mga residente sa kanilang mga pinupuntahang lugar.

Boluntaryo naman nilang isinuko ang ilang mga baril at iba’t-ibang mga kagamitan kabilang ang isang homemade 12-gauge shotgun, isang homemade 12-gauge pistol, isang kalibre 22 na baril, flashlight, solar panel, generator, bag na naglalaman ng mga damit, mga gamot at gamit sa acupuncture treatment, at mga subersibong dokumento.

Samantala, ikinatuwa naman ni MGen. Laurence Mina, 5ID Commander ang ginawang pagbabalik-loob at pagsuko ng mga kagamitan sa kasundaluhan ng walong kasapi ng SGU, East Front, KOMPROB Cagayan. Ito ay resulta ng tuloy-tuloy na kampanya ng pamahalaan laban sa insurhensiya sa probinsya ng Cagayan.

Ikinagalak naman ni MGen Laurence E Mina PA, Commander ng 5ID ang ginawang pagbabalik-loob at pagsuko ng mga kagamitan sa kasundaluhan ng walong kasapi ng SGU, East Front, KOMPROB Cagayan. Ito ay resulta ng tuloy-tuloy na kampanya ng pamahalaan laban sa insurhensiya sa probinsya ng Cagayan.

Aniya, ang kanilang ibinahaging karanasan ay pagpapatunay ng kawalan ng suporta ng mga mamamayan sa ipinaglalaban ng rebeldeng CPP-NPA.

Samantala, pinasalamatan din ng heneral ang mga residente sa patuloy nilang pagsuporta sa pamahalaan.

Magpapatuloy ang mga ginagawang hakbang ng pamahalaan upang makamtan ang kapayapaan at kaunlaran sa Lambak ng Cagayan.

Facebook Comments