6 na miyembro ng NPA patay sa sagupaan sa CamSur

Camarines Sur – Nasawi ang anim na miyembro ng New Peoples Army (NPA) matapos ang naganap na sagupaan sa pagitan ng mga miyembro ng Philippine Army at NPA kaninang umaga sa Barangay Lupi Tinambac, Camarines Sur.

Ito ang kinumpirma ni Region 5 Regional Director Chief Superintendent Arnel Escobal.

Sa ulat aniyang nakarating sa kanya nagsasagawa ng combat at intelligence operation ang mga sundalonsa Barangay Lupi nang maka-engkwentro ang nasa 15 miyembro ng NPA alas-6:00 ng umaga kanina.


Nagtagal aniya ng 20 minuto ang sagupaan na nagresulta sa pagkasawi ng anim na NPA.

Narekober aniya sa pinangyarihan ng encounter ang apat na M16 rifle at isang grenade launcher.

Sa ngayon tuloy ang pursuit operation ng militar at pulis laban sa mga nakasagupaang miyembro ng NPA.

Facebook Comments