Saturday, March 28, 2026

6 na nagbebenta ng mga counterfeit bags, arestado sa Tondo

Arestado ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa koordinasyon sa Department of Trade and Industry (DTI) at Intellectual Property Rights Enforcement Office (IPREO) ang anim na indibidwal na umano’y nagbebenta at nagdi-distribute ng mga counterfeit branded bags sa Binondo, Manila.

Naaresto ang mga nasabing indibidwal matapos ang social media intelligence at test-buy operation na isinagawa ng mga operatiba na nagresulta sa pagkumpirma ng ilegal na aktibidad ng mga suspek.

Nakumpiska sa kanila ang mahigit 20 mother boxes ng counterfeit bags, set ng CCTV cameras, at mga dokumento bilang ebidensiya sa nasabing ilegal na transaksyon.

Tinatayang nagkakahalaga ng nasa ₱25 milyon ang mga nasabing nakumpiskang gamit.

Nahaharap ang mga suspek sa mga kasong paglabag sa Republic Act No. 3883 o Business Name Law; Article 77 ng Republic Act No. 7394 o Consumer Act of the Philippines (1992); Republic Act No. 8293 o Intellectual Property Code of the Philippines; at Section 6 ng Republic Act No. 10175 o Cybercrime Prevention Act of 2012.

Facebook Comments