Friday, April 17, 2026

6 na babaeng cadet, pasok sa Top 10 ng PNPA SILANG-PAGLAOM Class of 2026

Pasok sa Top 10 ang anim na babaeng cadet sa Philippine National Police Academy (PNPA) Silang-Paglaom Class of 2026.

Kasama na rito ang Top 1 ng nasabing klase na isa ring babae na si Police Cadet Van Marie Editha Gundaya Cagasan at ang Top 3 na si Police Cadet Joanne Gwen Buscagan Huiso.

Top 6 si Cadet Kharen Mae Gulfo, Top 7 si Cadet Hazelyne Pearl Magora, Top 8 si Cadet Mary Angel Rea Espida, at Top 9 si Cadet Trixia Raye Ajose.

Sila ay magtatapos ngayong araw kasama ang nasa 326 na graduates sa kanilang klase na gaganapin sa Camp General Mariano Castañeda sa Silang, Cavite.

Aasahan namang dadalo bilang guest of honor and speaker si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa nasabing pagdiriwang.

Facebook Comments