6 na palapag na gusali, gumuho sa Turkey

Istanbul, Turkey – Gumuho ang isang anim na palapag na gusali sa siyudad ng Istanbul.

Ayon sa Turkish Emergency and Natural Disaster Authority (AFAD), nagpadala na ng rescue teams sa lugar.

Patuloy ang paghahanap sa mga posibleng nakaligtas at pagsagip sa mga naipit sa loob ng bumagsak na gusali.


Hindi pa malinaw ang dahilan ng pagguho.

Facebook Comments