Sawadjaan, bagong emir ng ISIS sa Pilipinas

Inilahad ng U.S. Defense Department na ang Abu Sayyaf Group (ASG) leader na si Hatib Hajan Sawadjaan ang bagong emir o lider ng ISIS sa Pilipinas.

Ito ay base sa report ng United States Indo-Pacific Command (USNIDOPACOM) na iprinisinta sa U.S. Congress.

Si Sawadjaan ang itinuturong utak sa kambal na pagsabog sa Jolo, Sulu.


Una rito, sumuko sa pulisya ang limang suspek sa pag-atake habang ang 14 na iba pa kabilang si Sawadjaan ang patuloy na tinutugis.

Kinumpirma ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año ang U.S. report.

Facebook Comments