6 na pamilya na inabutan ng baha sa Lucena, sinagip ng PNP

Nailigtas ng Philippine National Police Regional Maritime Unit 4A ang 6 na pamilya na inabutan ng pagragasa ng baha sa Barangay Dalahican, Lucena City, Quezon Province kahapon.

Ayon kay PBGen. Jonathan Cabal ng Police Regional Maritime Unit 4A ang 21 indibidwal na ito ay hindi na nagawang magsilikas dahil sa inabutan na ng baha bunsod ng Bagyong Aghon kung kaya’t nagsagawa sila ng rescue operation.

Aniya ang mga ito ay ligtas na nadala sa evacuation center sa Dalahican Annex Elementary School sa Brangay Dalahican, Lucena City.


Agad namang pinadalhan ng tulong ng lokal na pamahalaan ang mga inilikas na residente.

Facebook Comments