Office of Civil Defense may sapat na pondo para umagapay sa mga biktima ng Bagyong Aghon

Tiniyak ng Office of Civil Defense (OCD) na mayroon silang sapat na pondo para umalalay sa mga naging biktima ng Bagyong Aghon.

Ayon kay Office of Civil Defense (OCD) Spokesperson Dir. Edgar Posadas mayroon silang kabuuang P318.8 milyon na quick responce standby fund.

Ani Posadas, wala pa namang humihinging Local Government Unit (LGU) nang karagdagang pondo mula sa OCD.


Maliban dito, nasa 219, 256 na non-food items ang naka preposisyon habang mayroon ding mahigit 16 na milyong National Food Authority (NFA) rice na available at handang ipamigay anumang oras.

Sa ngayon, nasa halos P60,000 halaga pa lamang na tulong ang naipapamigay ng pamahalaan sa mga apektadong residente ng Bicol region tulad ng hot meals at family food packs.

Sa pinakahuling tala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nasa halos 3,000 indibidwal o 513 pamilya ang naapektuhan ni Aghon mula sa Regions 5 & 8 kung saan patuloy pang beneberipika ang 4 na sugatan mula sa Albay.

Facebook Comments