Umaabot na ngayon sa 65 na mga pulis ang nagpositibo sa Coronavirus Disease (COVID-19) matapos na magpsitibo ang anim pang pulis sa virus.
Ito ang kinumpirma ni Philippine National Police (PNP) Spokesperson Brigadier General Bernard Banac batay na rin sa update ng PNP Health Service.
Ang 6 na pulis na positibo sa virus ay ang dalawang 36 anyos na pulis, dalawang 29 anyos, isang 47 anyos at isang 33 anyos na mga pulis na mga nakatalaga sa Metro Manila.
501 na mga pulis naman ay suspected Persons Under Investigation (PUI) at 51 ay probable Persons Under Investigation dahil pa rin sa COVID-19.
Naka admit naman ospital ang 40 mga pulis dahil pa rin sa nakakaramdam ng sintomas ng COVID-19, habang 14 ay naka- home quarantine.
Nanatili naman sa walo ang nakarekober sa sakit at 3 ang namamatay.