6 na pulis, positibo sa drug test ng PNP

Tuloy-tuloy ang isinasagawang internal cleansing sa hanay ng Philippine National Police.

Ayon kay PNP Chief Police General Benjamin Acroda Jr., mula January 1 hanggang January 22, 2024 ay 4, 614 na drug test na ang kanilang naisagawa.

Sakop nito ang mga uniformed personnel at non-uniformed personnel sa iba’t ibang mga police unit.


Sa nasabig bilang, sinabi ni Acorda na anim na rito ang nagpositibo mula sa ilegal na droga.

Ani Acorda, lima sa mga ito ay galing sa NCRPO at isa naman ay galing sa Police Regional Office 8.

Tatlo sa mga pulis ay Patrolman, isang Police Staff Sgt., isang Police Master Sgt. at isang Police Chief Master Sgt.

Inalis na sa pwesto ang mga pulis na positibo sa ilegal na droga.

Facebook Comments