6 na rehiyon sa bansa, mahigpit na binabantayan ng DOH dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID-19

Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na may pagtaas na naman sa kaso ng COVID-19 sa nakalipas na dalawang linggo.

Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, kabilang sa mga nakitaan ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 mula June 27 hanggang July 10 ang Metro Manila, Regions 2, 3, 4A, 7 at 10.

Tinukoy din ni Vergeire ang Regions 10 at 11 na may mataas na Intensive Care Unit (ICU) utilization.


Sa kabila nito, nilinaw ni Vergeire na hindi pa ito matatawag na surge.

Aniya pa, regular silang nakikipagpulong sa mga ospital bilang paghahanda sa posibleng paglobo ng kaso ng Delta variant.

Bukod dito, nakapagsagawa na rin ang DOH ng inventory sa supply ng oxygen at ventilators.

Facebook Comments