6 na SAF mula Rehiyon Dos, Inalala ng mga Kaanak ang Kabayanihan

*Cauayan City, Isabela*-Ginawaran ng 21 Gun Salute ang anim (6) na nasawing Special Action Force na mula sa rehiyon dos matapos ang nangyaring Mamasapano Encounter limang taon na ang nakakaraan.

Inalala ang kabayanihan ng 6 na SAF na sina PO2 Joel Dulnuan mula Nueva Vizcaya, SPO1 Rodrigo Acob, PO2 Loreto Capinding at SPO1 Andres Dugue mula Isabela habang sina PO2 Olibeth Viernes at SPO1 Richelle Baluga ng Cagayan.

Kaugnay nito, nag alay ng misa at panalangin ang Police Regional Office No. 2 bilang pag alala sa SAF 44 na nasawi sa operasyon sa Maguindanao.


Ayon kay LTCol. Chevalier Iringan, tagapagsalita ng Police Regional Office 2, kasama ang pamilya ng dalawang pulis sa Cagayan ay nagsagawa ng wreath laying ceremony o pag aalay ng mga bulaklak sa commemorative structure.

Taong 2017 ng pirmahan ni Pangulong Duterte ang Presidential Proclamation No. 164 na nagdedeklara tuwing Enero 25 kada taon na National Day of Remembrance para bigyang pagpupugay ang tinaguring bayani ng bayan.

Facebook Comments