6 na testigo sa kaso ng pagpatay kay Rep. Batocabe, lumutang

Nagbigay na ng salaysay ang anim na ‘persons of interest’ sa pagpatay kay Ako Bicol Party-List Representative Rodel Batocabe at sa bodyguard nito na si SPO1 Orlando Diaz.

Ayon sa bagong hepe ng Daraga Police na si Superintendent Dennis Balla – positive development ito para sa agarang pagkakaresolba ng double murder case.

Dagdag pa ni Balla – may tukoy na rin silang ‘persons of interest’ at ang iba ang isinailalim na sa questioning at background checking.


Sa interview ng RMN Manila, inamin ni Special Investigation Task Force ‘Batocabe’ Spokesperson, Chief Inspector Maria Luisa Calubaquib – na walang security detail hinihingi si Batocabe.

Positibo si Calubaquib na on-track ang kanilang imbestigasyon at maaring magkaroon ng pag-aresto sa mga susunod na araw.

Itinanggi naman ni Daraga Mayor Carlwyn Baldo na siya ang nasa likod ng pagpatay kay Batocabe.

Ani Baldo, pawang mga espekulasyon lamang ito.

Hinamon din ng alkalde ang mga nag-aakusa sa kanya na patunayan ang kanilang mga bintang.

Facebook Comments