Bagyong Usman, napanatili pa rin ang lakas habang nagpapaulan sa Visayas, Mindanao

Nagpapaulan na ang tropical depression Usman sa ilang bahagi ng Kabisayaan at Mindanao.

Huling namataan ang bagyo sa layong 795 kilometers silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur.

Taglay pa rin nito ang lakas ng hanging nasa 45 kilometers per hour at pagbugsong nasa 60 kilometers per hour.


Kumikilos ang bagyo pa-kanluran hilagang kanluran sa bilis na 20 kph.

Ayon kay DOST-PAGASA weather specialist Ariel Rojas – ang trough o extension nito ay nagdadala na ng ulan sa silangang bahagi ng Visayas at Mindanao.

Dagdag ni Rojas – inaasahang lalakas pa bago tumama ng kalupaan.

Bukas, December 27 ay magdadala na ito ng malalakas na ulan sa Bicol Region at Eastern Visayas.

Sa forecast ng PAGASA, tatawid ang bagyo sa hilagang bahagi ng Leyte, Cebu, Panay Island at Palawan.

Bagaman at wala pang nakataas na tropical cyclone warning signals, inaasahang itataas ang signal number 1 sa Eastern Visayas at Northern Caraga ngayong araw.

Inaasahang lalabas ang bagyo sa Lunes, bisperas ng Bagong Taon, December 31, 2018.
Ang northeast monsoon o hanging amihan ay nakakaapekto sa halos buong Luzon kasama na ang Metro Manila.

Facebook Comments