Base sa datus ng Police Regl Office 13 umabot na sa anim na mga tribo ang pinatay ng mga rebeldeng New Peoples Army NPA dito sa Caraga Region nito lang buwan ng Hulyo.
Ito ay kinabibilangan nila:
1.Jerald Mandag Camarenes, tatlongput- pitong taong gulang, magsasaka at residente sa Brgy. San Antonio, Remedios T. Romualdez, Agusan del Norte ang pinagbabaril ng mga rebeldeng pinangungunahan ni Ka Warren ng Guirella Front 21C.
Pangalawa si, Jomar Ignacio Engayas, apat-naput-anim na taong gulang, na taga Pag asa, Brgy. Libas Sud, San Miguel, Surigao del Sur.
Pangatlo ay si Paquito Maca Badiang, limamput-walongtaong gulang, na residente sa Brgy Libas Sud San Miguel SDS, na pinagbabaril ng isang Jimmy Benias alyas Ka Tasyo na kasapi ng rebeldeng NPA.
Pang apat si Jandy Ampal Libona, dalawamput- tatlong taong gulang, na taga Sitio Tagbasingan, Brgy. Mat-I, Surigao City.
Panglima si Noel Apole Estampa, apatnaput- siyam na taong gulang, isang brgy tanod at nakatira sa Sitio Tagbasingan, Brgy. Mat-I, Surigao City.
Pang anim ay si Jojo Salazar Sabelino, tatlompung taong gulang na residente sa Purok Erap, Brgy. Buenavista,Tandag City, Surigao del Sur, na dating myiembro ng NPA at kinilalang impormante ng militar.
Dahil dito kinondina ng PRO13 ang sunod sunod at walang habas na pagpatay sa mga tribong lumad dito sa rehiyon na kagagawan ng mga rebeldeng NPA.
Kasama mo sa RMN BUTUAN radyoman Ivy Falcone tatak RMN
6 na Tribu sa Caraga pinaslang ng NPA
Facebook Comments