6 na Wanted Person sa Rehiyon dos, Nalambat ng mga Otoridad!

Nalambat na ng mga otoridad ang anim na indibidwal na wanted sa batas matapos ang kanilang isinagawang manhunt operation kamakailan sa magkakahiwalay na lugar dito sa rehiyon dos.

Sa nakuahng impormasyon ng RMN Cauayan, naaresto ng mga otoridad ang Top 7 Most Wanted Person sa bayan ng Solano, Nueva Vizcaya na si Mario Herminigildo Mueca, residente ng Nakpil, Corner San Pascual St, Malate, Manila dahil sa kaso nitong Frustrated Murder.

Nahuli rin ng mga otoridad ang apat na kalalakihan mula pa rin sa Lalawigan ng Nueva Vizcaya na sina Melindo Guiab dahil sa kasong Slight Physical Injuries, Alvin Domincel Ambatali dahil sa kasong Less Serious Physical lnjuries, Theody Aggabao at isang menor de edad na itinago sa pangalang “ Bryan” dahil naman sa kanilang kasong Slight Physical lnjuries.


Samantala, nadakip naman ng mga kasapi ng Lallo Police Station si Lolito Unida Pulido, na residente ng Lal-lo, Cagayan dahil sa kasong Qualified Theft.

Pinuri naman ni PNP Regional Director Police Chief Superintendent Jose Mario Espino ang mga operatiba kaugnay sa kanilang nagawang accomplishments.

Facebook Comments