Binubuo ng tatlumpu’t tatlong indibidwal ang nakatanggap ng food assistance gaya ng 25 kilo ng bigas at mga groceries bilang bahagi ng aktibidad ng yunit sa pag-institutionalize ng Executive Order No. 70 o ang Whole-of-Nation Approach.
Hakbang ito upang palawigin ang kanilang suporta sa kampanya ng 5ID sa pagwawakas sa local communist armed conflict sa pamamagitan ng pagbibigay ng kinakailangan na suporta ng mga dating rebelde at kanilang mga pamilya.
Ayon kay Army Captain Katrina Bernardino, nais nilang palawigin ang mga ginagawang pagtulong sa mga pamilya ng dating mga rebelde bukod pa sa pagkakaroon ng mga iskolar sa pamamagitan ng proyektong “Piso Mo para sa Kinabukasan Ko”.
Samantala, ang Happy Farmville ay nagsilbing pansamantalang kanlungan ng mga dating rebelde na itinayo noong 2019 sa loob ng Headquarters ng 5th Infantry Division.