Regional Top 3 Most Wanted Person sa kasong Rape, Arestado

23
Cauayan City, Isabela- Arestado ng Kalinga PNP ang Regional Top 3 Most Wanted Person sa kasong Rape.

Kinilala ang suspek na 56 anyos at residente ng Pinukpuk, Kalinga.

Naaresto ang suspek ng pinagsamang puwersa ng Pinukpuk Municipal Police Station, PIT Apayao Regional Intelligence Unit 14 kasama ang Regional Drug Enforcement Unit/ Regional Special Operations Group, 1st Kalinga Provincial Mobile Force Company, Provincial Intelligence Unit Kalinga, at Regional Intelligence Division PROCOR.

Dinakip ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong paglabag sa RA 8353 o Anti-Rape Law of 1997 na iniutos ng korte.

Kasalukuyang nasa pangangalaga ng PNP ang suspek para sa kaukulang disposisyon.

Facebook Comments