6 Pinoys, bagong naka-recover sa COVID-19 sa abroad

23

6 na Overseas Filipino Workers (OFWs) ang bagong gumaling sa COVID-19 sa abroad.

2 naman ang bagong kaso at walang bagong binawian ng buhay.


Sa ngayon, umaabot na sa 19,774 ang kabuuang bilang ng mga Pinoy sa ibayong-dagat na tinamaan ng COVID-19.

6,536 sa mga ito ang patuloy pang nagpapagaling habang 12,044 na ang kabuuang mga gumaling.

Nananatili naman sa 1,194 ang kabuuang bilang ng mga binawian ng buhay.

Facebook Comments