Ogie Alcasid at Regine Velasquez, fully vaccinated na kontra COVID-19

41

Nakakumpleto na ng second dose ng bakuna kontra COVID-19 ang musician couple na sina Ogie Alcasid at Regine Velasquez.

Unang natanggap ng dalawa ang kanilang first dose ng bakuna nitong Abril, habang kahapon naman ang second dose na ginanap sa Quezon City na desisyon nila matapos ma-expose sa isang COVID-19 positive.


Sa Instagram post ni Ogie, makikita rito ang pagturok sa kaniya ng bakuna habang sa post naman ni Regine ipinapakita ang kaniyang vaccination card.

Pag-amin pa nga ni Ogie, noong una ay akala nila na mas mahusay ang bakuna ng Pfizer pero naging mabisa rin ang bakuna na ibinigay sa kanila na Sinovac.

Hinikayat naman ng mag-asawa ang iba pang Pilipinong nag-aalangang magpabakuna, na tumanggap na ng bakuna upang maprotektahan laban sa virus.

Matatandaang maliban kina Ogie at Regine, ilan sa mga celebrities na nabakunahan na ay sina Kris Aquino, Sharon Cuneta, Aga Muhlach, Alice Dixson, at Jolina Magdangal.



Facebook Comments