Sugatan ang anim na pulis matapos makuryente habang nag-aayos ng tubo ng tubig sa Barangay Talibayog, Calatagan Batangas.
Ayon kay Batangas Provincial Director PCOL Edwin Quilates, inaayos ng mga biktima ang water pump na gamit nila para sa kanilang training nang aksidenteng madikit sa live wire ang hinahawakan nilang bakal.
Dinala ang apat na biktima sa Metro Balayan Medical Center habang naitakbo sa Don Manuel Lopez Memorial Hospital ang dalawang iba pa na pawang nagtamo ng minor injuires.
Nasa kalagitnaan ng training ng Special Action Force ang mga biktima ng mangyari ang aksidente.
Facebook Comments