6 Reasons Why You Should Date a Filipina

93
IMAGE: COCONUTS.CO

Maraming katangian ang kinabibiliban ng mga kalalakihan sa mga filipina sa loob man o sa labas ng bansa. Dahil ito sa angking ganda at ang pagiging malambing at masayahin ng mga pinay. Ngunit syempre hindi lang sa panglabas na anyo sila hinahangaan.

Narito ang iilang mga katangian at kaugaliang meron ang mga pinay kung kayat sila ay nakakaangat sa ibang klase ng mga babae sa buong mundo:

  1. Hindi pangkaraniwang ganda

Kung mapapansin mo sa mga Beauty Pageant o sa mga international projects or movies, Angat ang kagandahan ng pinay. Unang una na ang kutis Hindi maputi hindi rin maitim. Morena Beauty kung tawagin. Hugis ng katawan at ang pagkakahulma ng mukha ay talagang nakakamangha.

 

2. Friendly

Magaling makisalamuha ang mga pinay. Sa mga sikat na online websites man o sa mga pinoy at mga dayuhan dito sa bansa. Likas na masayahin at may sense of humor ang mga pinay kung kaya’t hindi ka talaga mabo-boring pag sila ang kasama mo.

 

3. Pinapahalagahan nila ang konsepto ng kasal

Dahil sa kultura at sa relihiyon, ang mga pinay ay pinaghahandaan at pinahahalagahan ang
kasal o ang pagaasawa. Maliban sa hindi uso ang divorce at annulment sa Pilipinas , Nakalakihan din ng mga Pinay ang kultura na ang pagaasawa ay isang sagradong hakbang sa buhay.

4. Mapagmahal at maalaga

Sa bansa gaya ng Pilipinas, Ang mga babae ang karaniwang gumagawa ng mga gawaing
bahay,nagaalaga sa mga anak at asawa. Kung kayat habang dalaga pa at nasa puder pa ng mga magulang tinuturuan at hinahasa na ito kung pano magalaga ng pamilya at gumawa ng mga gawaing bagay. Kung nagpaplano kang magasawa ng Filipina, Tiyak na hindi ka magugutom at hindi ka mapapabayaan.

 

5. Hindi materialistic o pera lang ang habol sa isang relasyon

Sa panahon ngayon , sabi nila dapat realistic. dapat mayaman, may koste , may bahay at may magandang trabaho ang lalaking mapapangasawa mo. Pero karamihan sa mga pinay, Hindi mahahalaga ang mga materyal na bagay o ang pera. Dahil ang pinakaimportante sa mga babae ay ang love, respect and loyalty. Ang pagging successful sa buhay ay pinagttrabahuhan at pinagsusumikapan nyong dalawa upang magkaroon ng magandang future, hindi inaasa lamang sa lalaki.

6. Filipinas are optimistic

Likas sa pagiging masayahin at positive thinker ang mga pinay. Kahit minsan sobrang selosa at overthinker ng mga to, nanaig padin ang pagiging malambing at positive sa lahat ng bagay. May angking talino din ang mga pinay hindi lang sa pagging madiskarte sa buhay kundi pati sa iba’t ibang aspeto ng buhay.

 


Article written by Ma. Sarah Rose Sampelo

Facebook Comments