Kinumpirma ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na anim lamang sa 17 lokal na pamahaalan sa Metro Manila ang nakumpleto na ang pamamahagi ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) ayuda hanggang nitong Agosot 31.
Ayon kay DILG Usec. Jonathan Malaya, ang anim na lungsod na ito ay ang Maynila, Quezon, Pasig, Malabon, Caloocan at Navotas.
Aniya, 5% na lang ng inilaan pondo ang hindi pa naipamahagi at ang mga hindi naisama sa listahan ay maari pa rin naman mabigyan ng ayuda.
Paliwanag pa ni Malaya, mayroong kapangyarihan ang mga lokal na opisyal na kilalanin ang mga umapela sa mga binuong Grievance and Complaints Committee para sila ang mabigyan ng mga hindi na-claim na ayuda.
Gayunman, hindi lahat ng mga umapela ay awtomatikong mabibigyan ang cash aid.
Batay sa DILG, nasa 94.73% na ang naipapamahaging ECQ ayuda sa Metro Manila kung saan 10,663,537 recipients na ang nakapag-claim.