Animnapung porsiyento pa rin ng mga Pilipino ang nagsusuot ng face mask sa indoor spaces kahit hindi na ito mandatory.
Ito ay kahit lumabas din sa survey ng OCTA Research Group na isa na lang sa bawat sampung Pilipino ang itinuturing ang COVID-19 bilang urgent concern.
Sabi ni Dr. Guido David, magandang indikasyon ito dahil nangangahulugan ito na pino-proteksyunan pa rin ng mga tao ang kanilang sarili kahit hindi na nila inaalala ang virus.
“Ibig sabihin, hindi na nila iniisip na concern siya pero pinoprotektahan pa rin nila ang sarili nila kasi naiintindihan nila yung value, yung halaga ng pagsusuot ng facemask. At tulong ito hindi lang laban sa COVID, kundi sa iba-ibang sakit katulad ng flu, sa pollution kapag nasa outdoor,” pahayag ni David sa interview ng RMN DZXL 558.