Ospital ng Parañaque, wala nang pasyenteng COVID positive

Kinumpirma ng Ospital ng Parañaque District 2 na sa nakalipas na isang buwan ay wala na silang pasyenteng COVID-19 positive.

Ayon kay Dr. Jefferson Pagsisihan, bagama’t may aktibo pang kaso ng COVID-19 sa Parañaque ay wala namang nagtataglay ng malalang kaso ng nasabing infection.

Aniya, karamihan sa COVID patients nila ay mild cases na lamang at sa bahay na lamang sumasailalim sa quarantine.


Sa ngayon, 70 kama sa Ospital ng Parañaque District 2 ang nakalaan sa para sa COVID patients.

Facebook Comments