Anim (6) sa sampung (10) Pilipino na tinanong ng Social Weather Stations ang naniniwala na agad sanang napigilan ang pagkalat ng COVID-19 kung naging maagap lamang sa pagbibigay ng impormasyon tungkol dito ang China matapos itong madiskubre sa Wuhan noong nakaraang taon.
Sa survey na ginawa ng Social Weather Station mula July 3, 2020 hanggang July 6, 2020 sa pamamagitan ng telephone interviews, 61% ang naniniwalang inilihim ng China ang COVID-19 habang 23% ang hindi naniniwala at 15% ang undecided.
77% naman ng mga Pinoy ang nagsabing dapat papanagutin ang China sa ginawa nitong paglilihim habang 15% ang nagsabing hindi dapat papanagutin at 7% ang undecided.
Samantala, 70% o pito (7) sa sampung (10) Pinoy ang nagsabing dapat ipilit ng Pilipinas ang karapatan nito sa West Philippine Sea, 13% ang nagsabing hindi dapat ipilit ang karapatan at 15% ang undecided.