6 sa bawat 10 Pinoy, sa telebisyon sumasagap ng balita at impormasyon – SWS

Mayorya ng mga Pilipino ay sa telebisyon pa rin kumukuha ng balita at impormasyon.

Sa survey ng Social Weather Stations (SWS), 60% o katumbas ng 40.4 million na indibidwal ang gumagamit ng TV, 15% o 9.7 million ang nakikinig sa radyo, 2% o isang milyon naman ang nagbabasa sa diyaryo.

Nasa 21% naman ang kumukuha ng balita sa Facebook.


Ayon sa SWS, ang paggamit ng Facebook ay may kinalaman sa educational attainment dahil kalahati sa mga gumagamit ng social media ay mga nasa kolehiyo at high school.

Ginawa ang survey mula March 28 hanggang 31 sa 1,440 adult respondents sa bansa.

Facebook Comments