6 Sako ng Binhi, Binawi sa isang Inireklamong Barangay Offcial

Cauayan City, Isabela- Nanindigan ang Agriculture Office ng LGU Cauayan City na sa tamang benepisyaryo lang mapupunta ang libreng pamamahagi ng binhi mula sa Department of Agriculture.

Ito ay sa kabila ng reklamo hinggil sa pagtanggap umano ng binhi ng isang opisyal ng Barangay Nagrumbuan na wala namang sinasaka o hindi kabilang sa listahan ng Registry System for Basic sectors in Agriculture (RSBA).

Sa panayam ng iFM Cauayan kay Engr. Ricardo Alonzo, City Agriculture Officer, agad niyang pinabawi ang anim (6) na sako ng binhi sa naturang barangay official at ipinasakamay na lang ito sa mga magsasakang hindi nakakuha ng libreng binhi.


Iginiit nito na walang katotohanan ang napabalitang pinaghati-hatian umano ng mga opisyal ng barangay ang 50 sako ng binhi.

Pagkakalooban naman ng tanggapan ng hybrid seeds ang magsasakang nagreklamo sa umano’y pagkuha ng binhi ng opisyal ng barangay at tanod.

Samantala, humingi naman ng paumanhin si Alonzo sa hindi pagtanggap ng ibang magsasaka ng binhi dahil sa kulang ang alokasyon na ibinigay ng DA region 2.

Kahapon, nagsimula ng magpalabas ng tubig ang NIA-MARIIS para magamit sa mga patubig ng sakahan.

Nangako naman ito na sa susunod na alokasyon ay ipaprayoridad ang mga hindi nabigyan ng naturang libreng binhi.

Facebook Comments