Sa edad na anim, nakabili na ng milyong halaga ng ari-arian ang isang batang sumikat sa YouTube, sa South Korea.
Si Boram na nakilala sa kanyang toy review channel, ay nakabili ng limang palapag na gusali sa Gangnam na nagkakahalagang 9.5 billion Korean won o P400 million.
Mayroon nang sumatotal na 30 million subscribers ang “mini-millionaire” sa kanyang dalawang channel sa YouTube: toy review channel na may 13.6 M subs at video blog na may 17.6 million subs.
Wala pa namang pahayag ang Boram Family tungkol sa dahilan ng pagbili ng gusaling kilalang “Beverly Hills” sa South Korea.
Isa sa mga pinakasikat na videos ni Boram kung saan nagluto siya ng instant noodles sa laruang kalan, ay umabot na sa 376 million views.
Mayroon ding mga video sa channel ni Boram na naging kontrobersyal, gaya ng video kung saan nanguha siya ng pera sa wallet ng kaniyang tatay, na binatikos dahil nagpapakita umano ng hindi magandang asal.
Noong nakaraang taon nang naging usap-usapan din ang pitong taong gulang na si Ryan Kaji, mula sa USA, na ayon sa Forbes ay kumikita ng $22 million o P1 bilyon sa isang buwan mula sa toy review channel niya na may 21 million subs.