Puro mga umuwing overseas Filipino worker (OFW) ang naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa Davao nitong Lunes, batay sa Regional Situation Update ng Department of Health (DOH).
Ayon sa DOH, sa Davao City naninirahan ang limang lalaki at isang babaeng OFW.
Dalawa sa kanila ay mula sa Jubail, Saudi Arabia, ang iba ay sa Riyadh, Belgium at Tanzania, habang ang isa pa ay ‘di naman tinukoy saang bansa nanggaling.
Nasa 41 hanggang 58 ang edad ng mga nasabing OFW na pare-pareho naman umanong asymptomatic.
Iniimbestigahan pa ang exposure ng OFW na hindi binanggit kung saan galing, at ng isang mula sa Tanzania.
Nitong Martes, nakapagtala ng 993 COVID-19 cases sa Davao Region; 552 ang gumaling na, habang 43 naman ang nasawi.
Facebook Comments